Sunday, March 31, 2013

Bagong Henerasyon, Bagong dinastiya ng mga Herrera





Kung may klasikong political dynasty na pumasok sa partylist system upang mapanatili ang pagkakahawak sa kapangyarihan, ito ay ang Bagong Henerasyon.

Ito kasing si Berandette Cruz-Herrera Dy ay dapat na tatakbo noong 2010 bilang kongresista matapos ang kaniyang tatlong taong panunungkulan bilang konsehal ng Quezon City.

Ngunit dahil masikip ang labanan sa Distrito 4 ng Quezon City kung saan si Cong. Sonny Belmonte ang makakalaban ni Bernadette Herrera, nagdesisyon si BH na bumuo ng partylist at ito nga ay ang Bagong Henerasyon Partylist o BH na ang initials ay tugma rin sa pangalang Bernadete Herrera.
Ginamit ni Herrera ang kanyang makinarya sa Quezon City at nakakakuha ng isang puwesto sa Kongreso ang BH Partylist.

Ngayong halalan ay kumakandidato muli ang BH Partylist na ang No. 1 nominee ay si Bernadette. 

Ngunit ang nakakakilabot ay ang pangalawang nominee ng BH Partylist ay ang asawa ni Bernadette na si Edgar Allan D. Dy.

Ito ang matatawag na conjugal partylist. Parang An Waray na nagpalitan lamang ang mag-asawa sa puwesto.

Imagine kung makakaupo ang mag-asawang ito sa Kongreso. Talo sigurado ang masang Pilipino dahil tandaan nating si BH ang nagsulong ng Cybercrime law sa Mababang Kapulungan sa pakikipagkutsabaan kay Wilson Tieng at Mariano Michael Velarde ng Buhay Partylist.

Isa pang nakakakilabot sa BH ay ang ang kanialng pang-apat na nominee ay si Redentor S. Tuazon, na inimbestigahan dahil sa kanyang papel na ginampanan sa rice smuggling sa Subic Bay Freeport, kung saan siya ay senior deputy administrator.

Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit napasama sa grupong ito si Dan Palami, na mas kilala bilang the "football guy" dahil siya ang tumatayong ninong ng Azkals.

Dahil sa paggamit sa partylist system upang manatiling nasa kapangyarihan, dapat hindi mabigyan ng susunod na pagkakataon ang BH partylist na makapasok sa Kongreso.

Sa Mayo 13, 2013, huwag iboto, Bagong Henerasyon sa Kongreso.

No comments:

Post a Comment