Monday, April 1, 2013

Alay Buhay, alang kabuhay-buhay na partylist



Isa sa pinakabago subalit malakas na political dynasty sa Pilipinas ay ang Gatchalian political dynasty ng Valenzuela City.

Tatlong Gatchalian - sina Sherwin, Weslie at Rexlon - ang nakaupo sa iba't ibang posisyon sa pamahalaan.

Si Sherwin ang kasalukuyang Mayor ng Valenzuela, si Rexlon ang kinatawan ng District ng nasabing lungsod at si Weslie ang kinatawan ng Alay Buhay Partylist.


Kung bubusiin kung bakit pumasok sa "public service" ang Gatchalian family, simple lang ang sagot. Ito ay upang proteksyonan ang kanilang mga negosyo.

Si Sherwin ang protektor ng negosyo ng pamilya sa Valenzuela, kung saan nagsimula ang plastic business ng mga Gatchalian.

Si Rexlon naman ang protektor ng negosyo ng pamilay sa labas ng Valenzuela tulad ng Waterfront Hotels and Casinos. Kapansin-pansin na si Rexlon ay vice chair ng Games and Amusement Committee ng Congress at ito ay upang proteksyonan ang kanilang casino business.

Simple lang naman ang papel ni Weslie, ang kinatawan ng Alay Buhay partylist, at ito ay upang ayudahan ang papel na ginagampanan nina Weslie at Rexlon sa pagbibigay ng proteksyon sa negosyo ng kanilang pamilya.

Si Weslie rin ang tumatayong mukha ng mga Gatchalian sa kanilang mga "social responsibility" events.

Masasabing may pagka-"plastic" ang pasok ng mga Gatchalian sa pulitika, dahil hindi naman nila hangad ang public service kungdi "plastic" service.

Kaya't sa halalan sa Mayo, siguraduhing wag iboboto mga plastic sa serbisyo.

Huwag iboto Gatchalian political dynasty sa Valenzuela City at sa partylist elections.

No comments:

Post a Comment