Malaking usapin ang Political Dynasty dito sa Pilipinas lalupa't paparating ang 2013 elections ngayong May 13.
Pero ang hindi alam ng karamihan hindi lamang sa mga halalan sa mga munisipyo, probinsiya at mga distrito kumakamada ang mga Political Dynasty dito sa bansa.
Maging ang partylist system sa Pilipinas ay ginagamit ng mga Political Dynasty upang mabigyan ng puwesto sa pamahalaan ang kasapi ng kanilang pamilya.
Narito ang dalawa sa mga pangunahing political dynasty na bumababoy sa partylist law ng Pilipinas:
Abono Party
Kapansin-pansin na ang mga Political Dynasty na pumapasok sa partylist ay regional partylist. At ganito ang ginawa ng Abono Party.Katunayan sa ilalim ng Abono Partylist ay nagsama-sama ang Estrella political clan ng Rosales sa Eastern Pangasinan at ang pamilyang Ortega na ang angkan ay nagmula sa San Fernando, La Union.
Sina Conrado M. Estrealla III at Francisco Emmanuel R. Ortega III, na kumatawan sa partido sa nakaraang kongreso, ay siya pa ring number one at number two nominees ng Abono Partylist.
Kung gusto nating magwakas ang political dynasty sa bansa, hindi dapat makabalik sa Kongreso ang Abono Partylist kaya't sa halalan ngayong Mayo 2013 ay huwag iboto.
An Waray
Isa pang regional party na ginagamit ng local political dynasty ay An Waray.Katulad ng Abono Party, dalawa ang kinatawan ng An Waray sa nakaraang konreso.
Sina Neil Benedict Montejo at Florencio Noel ang kumatawan sa Abono Party.
Sa darating na halalan, muling magkatuwang ang Montejo at Noel Political Dynasty hindi lamang sa partylist elections kungdi maging sa local elections.
Si Noel ay nagdesisyon na tumakbo bilang Mayor ng Tacloban kalaban ng manok ng Romualdez political dynasty at ang pumalit sa kanya sa An Waray partylist ay ang kanyang asawang si Victoria Isabel G. Noel, na dating director ng naluging Legacy Financial Group.
Ganito talaga sa mga political dynasty, palitan lang.
Kung makakabalik sa Kongreso ang An Waray, na hindi naman totoong kumakatawan sa mga Waray kungdi sa sariling interes ng Noel Clan, lalong lalawak ang dinastiyang ito at mananatiling may hawak ng kapangyarihan at impluwensiya.
Kaya sa Mayo huwag iboto ang An Waray.