Mula noong maipasa ang partylist law sa Pilipinas, kung ano-anong pang-aabuso ang naranasan upang magamit ito hindi lamang ng mga political dynasty kungdi maging ng mga religious organizations.
Kasama sa mga religious organizations na hayagang sumuporta sa mga partylist upang maisulong ang kanilang mga agenda ay ang Iglesia ni Kristo, Simbahang Katoliko, Jesus is Lord at Pentecostal Missionary Church of Christ.
Ang mga partylist na naiimpluwensiyahan ng mga religious organizations na ito kung hindi man tahasang partidong binuo ng mga simbahang ito ay ang Alagad, Buhay, Cibac, Kalinga at Prolife.
Bagamat nakapagtataka kung paano nakapasok sa partylist system ang mga relihiyosong ito ay masasabing hayagang isinulong ng mga partylist nila ang kanilang mga agenda.
Alagad - Ang partido ng Iglesiya ni Kristo
Hindi itinatanggi ng Alagad na sila ay impluwensiyado ng Iglesia ni Kristo. Katunayan sa kanilang website ay ipinagmalalaki nila ang relasyon sa Iglesia ni Kristo na kilala sa "block voting".
Nakakatakot ito dahil hindi lamang Alagad ang nakapasok sa Kongeso kungdi maging ang Iglesia ni Kristo dahil sa impluwensiya nito nang maipanalo ang Alagad.
Tandaan natin na dahil sa "block vote" ng mga kasapi ng Iglesia ni Kristo nakapasok ang Alagad sa Kongreso, kaya't sigurado ko na gagamitin ng simbahan ni Manalo ang kanilang impluwensiya sa partidong ito upang maisulong ang agenda sa Kongreso.
Buhay - Ang panapat ng Simbahang Katoliko sa Kongreso
Ibang klase naman itong Buhay partylist na binuo ng mga tagasunod ni Bro. Mike Velarde dahil sobrang garapal sa pagsusulong ng agenda ng Simbahang Katoliko at big business sa kongreso.
Sa nakaraang halalan nakapasok sa Kongreso ang anak ni Mike Velarde na si Mariano Michael at ang no. 2 nominee nito na si William Irwin C. Tieng.
Ang dalawang kongesistang ito ay magkatuwang sa pagsusulong ng interes ng Simbahang Katoliko sa Kongreso.
Pero ang mas matindi pa inayudahan ng dalawa ang interes ng malalaking kapitalista. Maliban kasi sa paglaban sa Reproductive Health law, ang dalawang bugok na ito ang nagsulong sa Cybercrime law sa kongreso.
Pero hindi simpleng cybercrime law ang nasa isip ni Tieng. Ang pamilya ni Tieng ang may-ari ng Solar Entertainment Group, na naghahatid ng kung ano-anong serye ng pelikula at iba't ibang movies sa bansa.
Malinaw pa sa signal ng Solar TV na ang layunin ni Tieng ay proteksyunan ang negosyo ng pamilya at hindi ang kapakanan ng mga pangkaraniwang Pilipino na maaaring makulong dahil sa pagda-download ng mga pelikulang banyaga sa internet.
Pero ang pinakamasaklap, kung makakakuha muli ng dalawang puwesto sa Kongreso ang Buhay party, hindi lamang makakabalik si Michael Velarde sa Kongreso kungdi ang kanyang magiging ka-tag-team ay si dating Manila Mayor Lito Atienza.
Si Atienza ay hindi lamang kilala dahil sa kanyang mabulaklak na mga polo shirts kungdi sa kanyang mala-demonyong aktidud sa pagtuligsa sa mga nagsusulong ng RH Law.
At kung tatlong puwesto naman ang makukuha ng Buhay, babalik muli si Tieng sa Kongreso upang idepensa ang Simbahang Katoliko at ang malalaking kapitalista ng bansa.
Cibac - Ang panibak ni Bro Eddie at Jesus is Lord sa Kongreso
Ang dating kinatawan ng Cibac na si Joel Villanueva ay ang kalihim ngayon ng Tesda.
Ang ama ni Joel na si Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord, kung papalarin, ay puwedeng maging senador ng bansa.
Pero hindi rito nagtatapos ang political dynasty na ito.
Ang manugang ni Eddie Villanueva at bro-in-law ni Joel Villanueva na si Sherwin Tugna ang number one nominee ng Cibac sa darating na halalan.
Imagine kung anong klaseng impluwensiya ang makukuha ng mga Villanueva at Jesus is Lord Movement kung makakabalik sa Kongreso ang Cibac at magwawagi si Bro. Eddie ng senatorial seat.
Kalinga - Ang partylist ng Pentecostal Missionary Church of Christ
Marami ang hindi nakakaalam pero si Kalinga Party representative Abigail Faye C. Ferriol ay anak ng founder ng Pentecostal Missionary Church of Christ.
Kapatid din ni Ferriol ang head pastor ng relihiyong ito.
At katulad ng lahat ng mga religious partylist sa bansa, mayroong command vote mula sa mga kasapi ng relihiyon ang Kalinga.
Hindi lang ito ang nakakapagtaka, maliban kay Ferriol walang alam ang publiko sa ikalawa at ikatlong nominee ng partido na sina Irene Gay F. Saulo at Uzziel F. Caponpon.
Hindi rin ako magtataka na ang mga middle initials na F nina Irene at Uzziel ay nangangahulugan ng Ferriol.
Kapatid din ni Ferriol ang head pastor ng relihiyong ito.
At katulad ng lahat ng mga religious partylist sa bansa, mayroong command vote mula sa mga kasapi ng relihiyon ang Kalinga.
Hindi lang ito ang nakakapagtaka, maliban kay Ferriol walang alam ang publiko sa ikalawa at ikatlong nominee ng partido na sina Irene Gay F. Saulo at Uzziel F. Caponpon.
Hindi rin ako magtataka na ang mga middle initials na F nina Irene at Uzziel ay nangangahulugan ng Ferriol.
Pero ang mas nakakapagtaka ay tila walang balak ang Kalinga na ipaalam sa publiko kung sino ang kanilang mga nominee. Wala kang mababasa sa website ng Kalinga party kung sino-sino ang mga nominee nila para sa darating na halalan.
Malinaw din na kung saan may simbahan ang Pentecostal Missionary Church of Christ (PCCM) doon ginaganap ang medical mission ng Kalinga.
Aba, sobra naman yata ito.
Ginagamit ng PCCM ang pera ng gobyerno upang maka-proselyte ng mga miyembro. Wow!!!
Ang Pro-life - Panibagong alas ng Simbahang Katoliko
Hindi itinatatwa bagkus ikinakampanya pa ng Simbahang Katoliko ang Pro-life na hindi ko maisip kung paano nakakuha ng accreditation sa Comelec dahil malinaw naman na galamay sila ng mga naniniwala sa katotohanang liko. He he he.
Mismong CBCP website ang nag-endorso sa partidong ito na ang layunin ay ipaglaban ang mga katuruang Katoliko sa kongreso.
Mismong CBCP website ang nag-endorso sa partidong ito na ang layunin ay ipaglaban ang mga katuruang Katoliko sa kongreso.
Ayon sa Ang Pro-life lalabanan nila ang "continuing attempts to enshrine a Culture of Death in the Philippines through bills on divorce, euthanasia, abortion, birth control, reproductive rights, population control, and homosexuality.
Ano kaya ang masasabi ng Ang Ladlad dito?
Ang pangunahing nominee ng Ang Pro-life ay si Atty. James Marcos Imbong, ang abogado na dumulog sa korte upang ipahinto ang pagpapatupad ng Reproductive Health Law.
Si Imbong din ang humiling sa korte na ipahinto ang advertisements ng mga condom sa television, peryodiko, radyo at internet.
Nakakatakot na makarating Ang Pro-life sa Kongreso kasi habang binabasa ko ang kanilang mga statement ang pumapasok sa isip ko ang mga Taliban sa Afghanistan.
No comments:
Post a Comment